Isang Araw sa Buhay Estudyante Ayon sa Isa ring Estudyante

3 Nov

Para sa isang estudyante, tatlong lugar lang ang iniikutan ng buhay niya. Una, bahay. Pangalawa, eskwelahan. Ang pangatlo ay pabagobago dahil ito ang mga lugar na hilig niyang galaan tuwing walang pasok. Bakit hindi natin tingnan ang isang araw sa buhay ng isang estudyante ayon sa isa ring estudyante?

Codename: chocopie_toblerone

Antas: Ikaapat na Antas

Seksyon: Sikretong Malupit

Kasarian: Babae

Misyon: Kompletuhin ang isang araw sa LCCT bilang isang estudyante sa ikaapat na antas. [Ayon kay Presidente accounts_receivable]

~Simulan ang Misyon!~

5:15 am: Ginising si chocopie_toblerone ng kanyang ina. Humingi si chocopie_toblerone ng dagdag na limang minutong oras ng pagtulog.

5:20 am: Ginising uli ng ina. Limang minuto raw uli.

5:30 am: Napuno na ang ina. Nagdala ng kaldero at pinatunog ito ng pagka-lakaslakas upang gisingin si chocopie_toblerone. Gumising rin naman ito dahil napagtanto niya na kapag hindi pa siya gumising ay baka magpasabog na ng kanyon ang kanyang ina at masira pa ang poster niya ng paborito niyang banda.

5:31 am: Naligo si chocopie_toblerone.

5:41 am: Nagbihis na ng kanyang uniform si chocopie_toblerone.

5:50 am: Natapos na siyang kumain ng agahan.

5:55 am: Nagpaalam na si chocopie_toblerone sa kanyang mga magulang bago bumiyahe patungong LCCT.

6:00 am: Sumakay na ng dyip si chocopie_toblerone

6:10 am: Nagsimulang magdasal si chocopie_toblerone sa loob ng dyip na sana ay mawala na ng tuluyan ang AH1N1 virus, magkaroon ng second season ang Boys Over Flowers, maka-perfect siya sa exam niya sa Accounting, tigilan na siya ng mga nanliligaw sa kanya, magkaroon ng teacher’s strike para walang pasok at sana absent ang iba niyang teachers dahil nadapuan ng AH1N1.

6:30 am: Dumating na siya sa LCCT. Sa kasamaang palad, walang AH1N1 breakout sa eskwelahan, walang teacher’s strike at mayroon pa ring pasok.

6:35 am: Nakarating na siya sa classroom niya. Nakipagdaldalan sa kanyang kaibigang si hersheys_kisses tungkol sa kung ano-ano ang pinagagawa nila noong sabado at linggo.

7:00 am: Flag Ceremony. At sa isang di inaasahang pangyayari ay pinakanta pa si chocopie_toblerone ng Lupang Hinirang at LCCT hymn.

7:15 am: Hindi sumabay ang mga estudyante sa pagkanta dahil siguro sa pagkabano sa boses niya kaya pinaulit pa siya sa pagkanta.

7:30 am: Natapos ang Flag Ceremony. Masyadong mahaba ang exposure ni chocopie_toblerone.

7:30-8:30 am: Accounting. Nakaperfect si chocopie_toblerone sa exam. Naghappy-dance.

8:30-9:30 am: Physics. Tinawanan ng tinawanan ang kaklaseng itatago sa pangalang antukin_tulogsquared dahil ito ay natutulog sa harap ng kanilang guro ng hindi man lamang napapansin.

9:30 am: Nabalitaan ni chocopie_toblerone na may quiz mamaya sa Filipino. Naglocker siya upang kunin ang libro niya sa Sambotani.

9:35 am: Nabigyan siya ng demerit ni mayor dahil sa paglolocker sa gitna ng mga klase.

10:00 am: Absent ang Religion teacher nila.

10:10-10:40 am: Recess. Kumain si chocopie_toblerone ng egg sandwich at Lipton Green Tea. Napagtripan din niyang kumain ng ChocoPao kasama si hersheys_kisses.

10:40-11:20 am: English. Perfect nanaman si chocopie_toblerone.

11:20-12:00am: Filipino. Hindi dumating ang kanilang guro. “Sayang lang ang demerit ko.” nasabi ni chocopie_toblerone sa kanyang sarili.

12:00 nn: Tanghalian. Ang baon ni chocopie_toblerone ay ang pambansang ulam ng seksyon nila na sikretong malupit, ang tapa. At sa inaasahan, ubos nanaman ang ulam ni chocopie_toblerone.

12:30 nn: Kumuha si chocopie_toblerone ng isang notebook at nagsimulang magdrowing.

12:35 nn: Nakita ni princess_azul ang drawing ni chocopie_toblerone at hiningi ito. Agad naming binigay ni chocopie_toblerone ang drawing sa kaibigan dahil sanay na ito na laging nanghihingi sa kanya ng drawing.

12:40 nn: Nagkaroon ng isang anunsyo ang mayor. Dahil sa nalalapit na Intramurals, kanselado nag klase hanggang hapon. Bahala na ang mga estudyante sa kanilang gagawain basta huwag lang eskandaloso. Natuwa ang buong Seksyon ng Sikretong Malupit. “Yehey! Walang Trigo!!!” naibulalas ni heecul_no2

1:00 pm: Dumating si hersheys_kisses na may dalang CD Player. Dahil wala rin naman daw gagawin, bakit hindi na lang magsoundtrip? Pati naman ang kabilang seksyon at iba pa sa ibang building ay nagsasoundtrip na rin.

1:05 pm: Pinatugtog ang Sorry Sorry ng Super Junior. Sumayaw ang k-poppers (mga taong mahilig sa tinatawag na Korean pop), na sina chocopie_toblerone, hersheys_kisses at wookie’s_princess.

1:30 pm: Binawi ang anunsyo na kanselado ang klase. Tumino na muli ang mga taga-Sikretong Malupit.

2:00-2:40 pm: Economics. Nag-sagutan sa recitation ang mga A-Listers ng klase na sina *censored* Mukhang tuwang-tuwa naman ang guro sa asignaturang ito dahil sa isang magaling na talastasan.

2:40-3:20 pm: Arts. Tuwang-tuwa si chocopie_toblerone dahil isa ito sa mga paborito niyang asignatura dahil sa kanyang talento sa pagdrodrowing. Kahit si hersheys_kisses ay masaya rin dahil may ganoon rin itong talento.

3:20-4:00 pm: Developmental Reading. Halos mautas si chocopie_toblerone sa mga paratang ng kanilang guro na talagang nakatatawa. Perfect naman siya sa seatwork niya.

4:00 pm: “Yeah, awas na!” naibulalas ni chocopie_toblerone at dali-daling lumabas ng room para sabayan si hersheys_kisses pauwi. Ngunit, sa kasamaang palad, naabutan siya ni *censored* at nagwika “Hoy, cleaner ka! Tatakas ka nanaman, ano?” Kaya naman, napilitan na si chocopie_toblerone na maglinis ng classroom (Kung matatawag mong paglilinis ang pagaaayos ng upuan na naayos na.).

4:10 pm: Natapos rin ang paglilinis ni chocopie_toblerone at umuwi na siya sa base upang ibigay ang report niya ukol sa buhay hayskul.

~Katapusan ng Misyon~

At iyan ang isang araw sa buhay ng isang estudyante na ayon rin sa isang estudyante, at ako iyon, ang inyong nareytor. At sana nga, mawala na ang AH1N1 virus sa bansa natin para matupad ang kahit isang panalangin ni chocopie_toblerone. [At pati yung Accounting, sana pasado kaming lahat.]

Tags: , , , ,

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.