Bakit nga ba?
November 9, 2009
Bakit nga ba may mga Pilipinong bumabagsak pa sa kanilang Filipino Subject?

At aaminin ko, kahit ako, isang Pilipinong tunay at totoo, ay nahihirapan sa Filipino at nadadalian sa English Subject ko.
Hindi ko rin alam kung bakit, pero, dahil nga siguro ay galing ako sa isang Private School at sinanay kami sa isang English Speaking Drive, kaya naman ay sanay na talaga ako at ang aking mga kakalase sa pagsasalita ng English. Ang problema, nahihirapan at nabubulol kami sa tagalog. Ako nga, englishera kahit Filipino Time. Kapag recitation, nakakapagsabi ako ng english words dahil di ko talaga alam ang tagalog na katumbas nito.
Kahit sa mga exam at hahanapin namin ang katumbas na kahulugan, mas nahihirapan at dumudugo pa ang ilong ko sa tagalog kaysa sa English. Hindi ko rin kayang magsalita ng deretsong tagalog.
Hindi rin naman maitatanggi na mas naging “First language” na natin ang English dahil sa patuloy na globalisasyon ng ating bansa. Problema nga lang, bakit nalilimutan na natin ang ating pinagmuilan? Nalilimutan na ba natin na ang dumadaloy sa ating dugo ay dugong Pinoy?
Wala akong sinasabing masama ang salitang Ingles. Maganda nga at sanay tayo sa wikang ito dahil kahit saang sulok ng mundo, makakasurvive tayo. Suhestyon lang, huwag kalimutan na tayo ang tunay na Pinoy at and wika natin ay Filipino.
Ikaw? Pinoy ka ba? Sagutin mo naman ang simpleng katanungang ito:
“BAKIT MAY PINOY NA BUMABAGSAK PA SA PILIPINO?!”
Salamat! Tesis ko kasi yan.